Sa lahat po nang aming mga kustomer, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtangkilik ng aming mga produkto at serbisyo. Ginagawa po namin ang lahat ng aming makakaya para matugunan ang lumalaking demand sa mga produkto at serbisyo namin. Sa dami na nga po nang aming natatanggap na mga orders and requests ay minsan nakakaligtaan na po namin ang iba.
Paano namin ito bibigyan ng solusyon? Kung binabasa nyo po ito ay malamang alam nyo na na pwede kayong umorder ng aming produkto gamit ang website na ito!
Papaano ba umorder gamit ang website na ito? Alam naman po namin na hindi lahat ng aming kustomer ay bihasa sa paggamit ng kompyuter. Aming hiling lamang ay makatulong ng malaki ang mga instraksyon na nakapaloob dito:
1)Gamitin ang facebook account para gumawa ng account sa aming website: Makikita sa kaliwang bahagi ng pahina na ito ang button na ‘login with facebook’, iyong pindutin ito at may lalabas na login page para i-connect ang iyong facebook account sa aming mga pahina. Maari lang po sana na iaccept nyo lahat ng hinihiling ng aming website para sa maayos na koneksyon ng aming website sa facebook!
Pagnatapos na ang proseso makikita nyo ang pangalan nyo sa kaliwang bahagi ng pahina(ito ang papalit sa ‘login with facebook’ button).
2)Mamili ng mga produkto sa aming catalogue: Sa ibaba ng inyong pangalan sa kaliwa ay mga links sa mga produkto na aming ipinagbibili. Maari po lamang na piliin ang mga produkto na inyong nais bilhin at pindutin ang ‘add to cart’ button na patungkol dito.
Kapag nakatapos na sa pagpili at pagadd ng mga bilihin, makikita sa itaas ng inyong pangalan sa kaliwa ang kalahatan ng inyong pinili. pag kontento na sa mga napiling bilihin maaari nang pindutin ang ‘go to checkout’ button.
3)Ireview ang pinamili at fill-upan ang billing and shipping information: Repasuhin ng maigi ang mga pinamili at pumili ng pinakamurang opsyon sa ‘Calculate Shipping Price’. Fill-upan ng mabuti ang billing and shipping details sa ‘Please enter your contact details:’ seksyon.
Pumili ng pinakaconvenient na paraan sa pagbayad ng pinamili sa ‘Select a payment gateway’, icheck ang ‘I agree to the Terms and Conditions’ at pindutin ang ‘Make Purchase’ button!
4)Magbayad ng nauukol sa total na presyo: Kung pinili nyong magbayad sa aming bank account. Ibibimbin po muna namin ang mga orders hanggang makakuha kami ng kumpirmasyon sa inyo patungkol sa inyong deposito. pwede nyo pong ibigay ang kumpirmasyon sa aming cell no. 09182119769 kasama ang inyong pangalan, branch ng banko na inyong dinepositohan at ang total amount ng inyong deposito
Pwede nyo rin piliin magbayad gamit ang Paypal. mas mabilis namin matutugunan ang inyong mga orders kung gagamit kayo ng Paypal dahil sa mabilis na proseso at kumpirmasyon ng bayad pag gamit ito.
Sundin lang ng maayos ang instraksyon dito at siguradong matatanggap namin lahat ng inyong mga orders. Maraming salamat ulit.









1 Comment
mdmi npo aq ngamit n sabon pero d2 lng po aq nhiyang,san po aq mkkbili mlapit lng po d2 samen?tnx and keep up the work,baliwag bulacan
Write a Comment